Sunday, September 9, 2007

PAGBIBIGAY LAYA SA PAG-IBIG

Ang bawat isa ay nakakaramdam ng PAG-IBIG, isang napakagandang umaga ang laging naghihintay sa ating paggising ng may ngiti sa ating mga labi, ang pagiging inspirado sa lahat ng bagay na ginagawa, sa pakikinig ng mga memorableng awitin na halos tugtugin ng sarili sa pamamagitan ng paghuni tulad ng isang ibon kahit na ika’y hindi isang dalubhasa sa pag awit o maaari din namang pag aantay sa pag angat ng awdotibo upang maging ganap na pag uusap. Isang nakakalokong damdamin subalit hindi para sa lahat ng nilalang sa mundo. Sa iba na walang swerte sa pagmamahal, ang mga nakakalungkot na awitin ay nagbibigay ng luha, sinasaktan ang puso o maaaring halos makaramdam ka na ikaw ay balewala o walang kwenta. Ang pag ibig ay hindi tungkol sa masayang pagtatapos, romansa, bulaklak, at mga tsokolate. Itoy damdamin na nagpapasakit sa puso sa pagkakataong iyong mababatid na ang iyong minamahal ay masaya….masaya ngunit hindi dahil sa iyo kundi sa piling ng iba.

Para sa iba ang pag ibig ay hindi musika sa kanilang pandinig, ang pag ibig ay simpleng pagbibigay laya at pag unawa na sapat na ang umibig na lamang para mahalin at hindi na maghangad pa ng kahit anong kapalit. Mararamdaman at malalaman mo na itoy tunay na pag ibig kung matatanggap mo na kaya mong harapin at tanggapin ang kanyang pagkawala, tanggap mo na lumigaya sya sa piling ng iba kahit na ang kapalit nito ay ang sakit na maidudulot sa iyo.

Minsan nakapagtataka na kung sino pa ang taong labis na nagpapaligaya sa iyo ay siya pa rin ang taong magbibigay sa iyo ng matinding hapdi at sakit dulot ng pagmamahal. Siguro nga ay totoo ang mga sinasabi ng karamihan na mapapatunayan mo lamang ang tunay na kahalagahan ng pag ibig kung ito’y magsisimula ng magbigay ng sakit sa damdamin.

Ang pagbibigay laya sa pag ibig ay hindi ang ibig sabihin ay ang pagsuko sa nararamdamang pagmamahal kundi ang pagpaparamdam pa ng mas lalong pagmamahal sa kabila ng mga pighati. Ang sakit sa damdamin dulot ng pagmamahal ay hindi lamang puro at totoo, itoy handog ng pagkakataon. Sa isang tula nasabi na ang mas hindi risonableng bagay sa mundo ay ang hindi pagpapadama ng tunay na pagmamahal na nasa sa iyong puso at damdamin. Sa tingin ko’y masyadong nakakalungkot isipin na nakaramdam ka ng pag ibig at tanggapin na ang mga pangyayari ay hindi sinasadyang maganap at makikita mo na lang ang iyong sarili na parang balewala. Napakasakit tanggapin na sa kabila ng iyong ipinaramdam na pagmamahal ay hindi pa sapat para masuklian din ng kapwa pagmamahal. Siguro kahit na gaano mo kamahal ang isang tao ay gagawin mo ang pinakamagandang bagay para sa kanya walang iba kundi ang bigyan siya ng kalayaan upang tuluyan siyang maging maligaya. Walang nagsabi na hindi madali ang magparaya, subalit kahit papaano ay napatunayan mo na ang iyong naramdaman para sa kanya ay labis na totoo.

Laging tandaan ang kasabihan na “Kung totoong mahal mo ang isang tao, hayaan mo siyang maging malaya at kung dumating ang araw na bumalik siya…..ang inyong pagmamahal ay sadyang totoo at karapat dapat para sa isat isa.

Pagkatapos mo syang bigyan ng tamang kalayaan, sunggaban mo naman ang iyong sariling pagkakataon na nasa sa iyong mga kamay at turuan mo ang iyong sarili kung papaano mo gagamutin ang sugat sa iyong puso dulot ng nakaraan at umasang may darating pa sa iyong buhay upang magbigay ng kasiyahan, pagmamahal at gagawa ng magagandang bagay upang sa ganon ay hindi ka na tuluyang mawala pa.