Wednesday, November 28, 2007

SI NENE AT AKO


Sa pagtilaok ng tandang paghudyat ng bukang liwayway
Pamumukadkad ng mga bulaklak sa hardin ay kumakaway
Naghanda ako sa aking paglisan paharap sa kanluran
Lumalakad ng marahan sa direksyong patutunguan
Hawak ko ay panulat, papel at librong patungan

Ilang metro mula sa bahay ang aking malalakbay

Patungo sa burol na tanaw ang karagatan
Sa aking paglalakad ay aking nadaanan
Mga batang naglalaro doon sa may tindahan
Sa bandang upuan ay pawang mga kalalakihan
Paglalaro ng dama ang kanilang paligsahan
Tumbang preso at piko sa mga munting kabataan
Hagikhik ng tawa kapag lata ay tinatamaan
Gamit ang tsinelas na kabibili pa lamang


Hindi kalayuan munting nene ang aking natanaw
Naka-upo sa kapirasong kahoy sa gilid ng tindahan
Walang tsinelas at kay dungis na tingnan
Tila ang dumi nya ay mula pa sa nakaraan
Latay ng sipon sa pisngi sa kahapong nagdaan
Kung aking huhulaan siya’y nasa ikapitong gulang
Kay gulo ng buhok nya hindi halos masuklay
Gunit gunit ang damit kay laki sa kanyang katawan
Kulay libag na ang puti hindi na halos malabhan


Sa kanilang tapat ako ay tumigil sandali

Lakas ng tawanan ng mga bata..may kasama pang pagtili
Subalit para kay nene pigil ang kanyang pag-ngiti

Para bagang siya’y punong puno ng pighati
Ilang minutong nagdaan ako’y kanyang sinulyapan
Sulyap na animo’y mayroong pag-aalinlangan
Salo nya ang pisngi ng kanyang dalawang kamay
Naglulupang mga siko may markang nakabalatay
Kay duming mga kuko animo’y puro patay


Maya-maya pa’y akin nang naulinigan
Mga sigaw ng ina sa mga anak na naturan
“Oyyy tama na ang laro at maghanda na sa pagpasok”
Sa boses ng ina ay sila’y nagpulasan
Natirang nakatayo ang latang pinaglalaruan
Natira namang naka upo si nene sa kinalalagyan
Nag iisang musmos sa lugar sya ay naiwan
Dumadampot sya ng batong ipinupukol sa kawalan
Hanggang napasulyap syang muli sa aking direksyon
Sabay tungo ng ulo nilaro ang lupang nakabunton
Para sa kanya sapat ng laruan iyon
Sa dala nyang kahirapan, na sa balikat nya’y nakapatong


Sa aking pag iisip habang sa kanya’y nakamasid
Bakit hindi sya natinag sa mga sigaw na naulinig
Paghahanda sa pagpasok upang dunong ay makamit
Tataglaying talino, medalya ng karunungan ay maisabit
Habang patuloy siya sa paglalaro ng tumpok ng buhangin
Ako ay tumayo sa aking pagkaka-upo
Landas ng mga paa sa kanya ay patungo
Paglapit sa tindahan, ale pabili nga po
Bigyan nyo ako ng tinapay na may palamang bukayuan
Akin lamang pong iaalay sa batang kinalulugdan


Aking natanong ang tinderang pinagbilhan
Sino po ba ang kay dungis na batang iyan?
Sagot ng tindera wala siyang magulang
Subalit may mga kapatid tatlo yata ang bilang
Ang ama’y naroon sa konstraksyon sa kamaynilaan
Bihirang umuwi abala sa pinagkakakitaan
Lagi lang syang nakaupo dyan tuwing umaga at sa hapunan
Nanonood sa mga naglalaro na mga musmos na kabataan
Hindi nakikihalubilo kung kanikanino man
Subalit may bait at punong puno ng paggalang
Masunuring bata at ang talino ay kanyang taglay
Ako ay naki-usap sa tinderang di katandaan
Pwede ko ba syang isama sa aking pupuntahan?
Doon sa burol na tanaw ang karagatan
Kung siya’y hahanapin doon sya ay puntahan
Akin lamang pong uusisain buhay nya at kukwentuhan

Sige isama mo at nang siya ay malibang
Lagi kasing tahimik at hindi nakikipagkaibigan
Sa mga kalaro nya gusto nya ay mag-isa lamang


Nene, eto ang tinapay para sa iyo iyan
Galing sa akin binili ko kay inang
Mayroon pa akong baon tubig dito sa lalagyan
Kaunting matamis na bao atin itong pagsasaluhan
Siya’y tumingin sa akin at mata ay namumungay
Parang galing sa pag-iyak sa magdamag na nagdaan
Kamay nya ay pinunasan sa damit sabay abot ng tinapay
Kumagat ng kapiraso, ang pag-nguya ay dahan dahan
Gusto mo bang sumama sa akin doon sa burol tanaw ang karagatan?

Doon tayo’y maglalagi at doon kita’y kukwentuhan
Sagot nya’y “sige po doon po ba sa dalampasigan?
Pumupunta po ako doon kapag hanap ay katahimikan”


Ako ay namangha sa kanyang tinuran
Sagot ay kay bilis at walang halong kalungkutan
Aliwalas ng kanyang mukha’y doon ko nakitaan
Dungis sa pisngi ay nabiyak sa kagalakan
Gusto kong malaman ang bumabalot sa kanyang katauhan

Para bagang ang nabanggit ko’y lugar ng paraiso
Sa kanyang tainga ay marinig lagi ay gusto
Habang hawak kamay ko sya, sa paglakad ay deretso
Patungo sa burol doon sa paraiso


Bago kami naupo ay amin munang tinanaw
Kagandahan ng paligid sa mata ay pumupukaw
Luntiang paligid, kalangitan ay bughaw
Repleksyong katapat sa dagat ay lumilitaw
Hanging kay lamig, humihimig sa kalakasan
Mga paru-parong dumadapo sa mga bulaklak na nasa parang
Lupang kay ganda para sa mga bagong sibol na halaman
Huni ng mga ibong sa tainga ay umaalingawngaw
Sa saliw ng himig ng hangin, sila ay sumasayaw


Ako ay naupo sa malaki at malagong puno
Subalit si nene ay naiwang nakikiramdam at nakatayo
Agad kong inilabas ang dala kong panulat, papel at librong tangan
Magsisimulang bumuo ng isang bagay na labis na kinagigiliwan
Pagbuo ng isang tula mula sa inspirasyong kagigisnan
Munting musmos na nasa aking harapan
Aking ibubuo ayon sa kanyang kasaysayan
Sa buo nyang pagkatao, may anino ng kalungkutan
Sa murang isip nya pighati ang kanyang kalaban
Tanaw ko sya sa kanyang kinatatayuan
Hindi ko maarok ang nasa puso nya’t isipan
Nakikita kong nangingilid ang kanyang mga luha
Bahagya ng bumuka ang bibig may binigkas na kataga


“inay…nasaan ka bakit ako’y iniwan..
bata pa ako’t malambot pa sa karamdaman
sa umaga paggising ko wala sa aki’y nagbibigay
mainit na kape o gatas at may palamang tinapay
sa gabing malamig hanap ko ay ikaw
init ng mga yakap mong pumapawi sa ginaw
himig mo sa akin…tulog na sanggol kong mahal
sa bisig mo’y doon mo ako palaging idinuduyan
“inay…kailan ko muling mararamdaman
ang mga yakap mong kay higpit paminsan minsan
sa aking paggising walang halik na dumadampi
sa aking noo, pisngi at murang mga labi
inay sabik na ako sa iyo sa tuwina ay kailangan
paano na ako na sanggol mo, kasama mo sa iyong tiyan
kalinga mo sa akin ipinagkait mo’t kinalimutan
inay….inay…nasaan ka bakit ako’y iniwan…

Sa aking namalas napagtantong totoo sa budhi ko ay natamaan
Parang dibdib ko’y sasabog sa aking naulinigan
Hindi ko na namalayan lamig ng tubig sa pisngi ko naramdaman
Luha ng awa sa musmos na bata sa aking harapan
Munting anghel na kapiling ko’y hanap ang pagmamahal
Mula sa isang ina sa katawan ay pinagmulan
Siyam na buwang tiniis sa kanyang sinapupunan
Kapalit ng ilang saglit iniwan at tuluyang kinalimutan
Diyos ko sukli ba ito ng mapang aping tadhana
Anong kasalanan ng murang pag iisip at siya ang nataya
Sa mga kalupitan ng buhay na hindi pa nila lubos na unawa
Sakdal bang kay lupit ng bawat kapalarang itinakda

************
Ang tula ko pong ito’y buong puso kong iniaalay
Sa lahat ng mga anak na iniwan ng magulang
Hatid po nito’y pag alala sa madilim na nakaraan
Mapait na kahapong, may aral na laman
At para po sa mga magulang na tuluyang kinalimutan
Ang kanyang mga supling na galing sa sariling buto at laman
Isipin nyo po muna ang mga supling bago ang inyong kapakanan
Kalingain ang mga anak dahil sila ang tunay na gintong kayamanan

(Orihinal na inilimbag ni aborja / Hunyo 2, 2005)

MAY ARAL BANG HATID ANG KASAMAAN

Ang pagkabahala, pighati at dalamhati ang mga anino ng buhay. Walang puso sa mundo ang hindi nakaranas o dumaranas ng marubdob na sakit, walang isip na umaapaw o lumiligwak sa malabong tubig ng lawa ng kaguluhan, walang mata na hindi lumuha ng nakabubulag na patak ng hindi maipalawanag na pagdadalamhati. Walang tahanan kung saan ito’y higit na nasisira, ng mga karamdaman patungo sa kamatayan, damdamin ng pusong naghihiwalay sa kapwa puso, at pagtalikod sa nakakaraming madilim na bahagi ng buhay. Sa isang malakas at hindi inaasahang tibay at lawak ng kasamaan, ang lahat ay mas o hindi nagiging biktima ng isang hindi napakagandang pagkakataon. At ang pighati, lungkot at kamalasan, ang mga ito’y laging nag iintay sa bawat nilikha.

Sa layuning makawala o sa ibang kaparaanang makadahilanang pag alpas sa anino ng dilim, ang lahat ay mabilis at pikit mata sa pagninilay sa bawat paraan at tamang daan kung saan ang pag asa ay kinagigiliwan upang pumasok sa kaligayahan at hindi na tuluyang makawala o lumipas pa. Ang ilan ay ang mga nilikha na higit sa kalayaan ang tinatamasa para sa sariling kapakanan, yaong mga taong nagpapakalunod sa luho ng buhay, tulad ng mga taong mapagmahal sa kagandahan kung saan isinasara nila ang kanilang sarili sa dalamhating hatid ng buhay at nagtatamasa na lamang ng mga karangyaang dulot ng kanilang walang hanggang kayamanan at katanyagan. Sumusunod lamang sa kung ano ang magiging kapalit sa lahat ng nakakamit batay sa mga bagay na naturan. At ang ilan pa ay ang mga taong naghahanap ng kaunting pagkalinga sa pagpapadama ng mga kabanalang tungkulin.

At para sa lahat, ang kaligayahang hangad ay hindi nalalayong makamit at ang spirito ay pansamantalang kumakalma sa magandang segurigad at nakalulunod na paglimot sa bawat kasamaan. Subalit dadating at dadating ang mga araw ng karamdaman o mas matitinding pighati, tukso at kamalasan kung saan ito’y pumapasok at sumisira sa walang proteksyong damdamin at ang straktura ng mapagkunwaring kaligayahan ay napupunit sa tuluyang pagkasira. Sa ibabaw ng bawat personal na kaligayahan at pagpupunyagi ay may nakabitin na matulis na pighati na handa ano mang oras upang bumagsak at sumira sa spiritwal na damdamin dahil sa kakulangan ng sapat na kaalaman upang ito ay lubos na maunawaan.

Kung minsan ang bawat damdamin ay nakakaramdam na silay nakatagpo na ng katahimikan at kaligayahan na nababalot ng isang matibay na seguridad sa pamamaraang pagsapi sa mga kabanalang tungkulin at ang pagyapos sa matalinong katangian o pagtatayo ng matalino at artistikong layunin subalit ang mas higit na malakas na tukso ay nagpapatunay sa tungkuling walang kabuluhan at hindi kapanipaniwala. Ang pagninilay sa tamang karunungan ay makikitang walang saysay na katibayan o sa bawat sandali ay ang walang katotohanang katauhan kung saan ang paghihirap ng naghahandog ay piraparasong matatapakan ng kanyang sariling mga paa, iyan kang banal na naturan subalit sa puso’t isip na taglay ay kasamaan at paghuhusga sa kapwa ang iyong pinaninindigan.

May paraan ba upang makawala sa masakit at mapighating daluyong ng buhay? May paraan ba kung saan ang kumpol ng kasamaan ay masisira? Ang permanente bang kaligayahan, kayamanan, katahimikan, ay mga walang kabuluhang panaginip? Hindi…Mayroong paraan para sa lahat ng kasamaan at ang dilim ay makakayang puksain sa lahat ng pagkakataon. Mayroong paraan kung saan ang karamdaman, kahirapan o kahit na anong mahirap na kundisyon o pagkakataon ay maipapa isangtabi at hindi na maibabalik pa. Mayroong paraan kung saan ang permanenteng kayamanan ay maseseguraduhan, mababantayan at malaya sa takot na mapabalik sa kahirapan. Mayroon ding paraan kung saan ang walang pagkasira at walang katapusang katahimikan at lubos na kagalakan ay maibabahagi at mauunawaan. Mayroon ding paraan upang mapagbuklod muli ang dalawang pusong pinaluha ng sakit ng dahil sa mga unos at paghamon na kanilang nakamtan. At ang simula ng daan na maglalandas patungo sa pagkakaroon ng pag-unawa ay makakamit ng buong puso.

Hindi sapat na iwalang bahala ang kasamaan, kailangan itong maunawaan. Hindi sapat ang pagdarasal upang mawala ang kasamaan, kailangan mong hanapin ang kasagutan kung bakit ito ay lumalagi sa bawat sinong mayroon nito. AT ANONG ARAL ANG HATID NITO kung ito’y dadampi sa isang katauhan. Ito ay hindi para makamit ang pag-aalala at dingasan ang bawat butil ng tanikala na tumatali sa sino man, kailangan na alamin kung bakit ang tanikala ng kasamaan ay tumatali sa isang katauhan. Kailangan mo bang maging isang suwail na anak upang malaman mo kung ano ang aral na hatid ng kasamaan? Kailangan mo bang maging hindi totoo sa isip at paningin ng iba para malaman mo kung ano ang tunay na aral ng iyong pagbabalatkayo. Sa pagkakataong marami ay nangyayari at doon ay napagtatanto ang bawat kamaliang nagagawa at sa hindi huling pagkakataon ito’y naitatama. Kailangan matutunan ang aral na hatid ng kasamaan ng may pagkukumbaba at pagtitiis dahil ang aral na iyong matututunan at mabibigyan ng perpektong dahilan upang itama ay ang siyang magluluklok sa iyo sa tamang lugar doon sa kalawakan.

Ang kasamaan ay hindi humuhubog sa iyong panglabas na katangian, ito’y damdamin na nasa puso. At sa pagtitiyaga upang ito ay malaman at maihugis ng tama ang puso ay magbibigay landas para madiskubre ang orihinal na pinag ugatan nito….at sa tuluyang paglalandas upang maitama at maituwid ang ano mang pagkakamali o kasamaang nagawa. Ang lahat ng ito’y naitatama at nareremedyuhan at ito nga ay hindi permanente. Sa iba, ito ay nag-uugat sa kakulangan ng kaalaman, ang kulang na kaalaman sa tunay na relasyon ng bawat bagay, sa pagdaan ng panahon kung tayo’y mananatili sa pagwawalang bahala ang kasamaan ay mananatili rin.Walang kasamaan sa kalawakan na nagreresulta ng pagiging ignorante at maaaring hindi mangyayari sa atin kung tayo ay handa na matutunan ang aral na hatid nito patungo sa paglalandas sa mataas na uri ng pag-unawa hanggang sa ito’y mawala. Subalit ang sangkatauhan ay mananatili sa impluwensya ng kasamaan at ito ay hindi nawawala dahil hindi taos sa puso ang pagtanggap ng aral kung saan ito ang magtuturo sa kanila upang maging ganap na tuwid ang bawat baluktot na nagawa. Ihanda ang bawat sarili sa bawat aral na ibibigay ng kasamaan dahil ito ang magbibigay linaw sa mga dilim na kinasasangkutan.

Ang kasamaan ay laging nagsisimbulo ng kadiliman at ang kabutihan ay pagsisimbulo ng liwanag at ang nasa likod ng simbulong ito ay ang tunay na interpretasyon ng tunay na reyalidad ng buhay. Ang liwanag ang kadalasang kumukubkob sa kalawakan at ang kadiliman ay ang simpleng tuldok ng anino na binubuo ng isang bagay na humahadlang sa kaunting kislap ng walang katapusang liwanag kung kaya’t ang katotohanan o liwanag na hatid ng Kataastaasang kabutihan ay ang positibo at ang magbibigay ng tunay na lakas ng buhay. At ang kasamaan ay ang hindi importanteng anino na humuhugis sa sarili upang magkaroon ng pagbabalatkayong liwanag subalit mahahadlangan ng tunay na linaw at magsasara sa kislap ng ilaw na nagpupumilit pumasok sa pintuan ng kabutihan. Kapag ang gabi ay nababalot ng madilim na bahagi at kahit na sa anong bahagi ng dilim na iyon, ang isang lugar ng liwanag sa mundo ay laging nag aabang ng isang napakagandang umaga. Ilagay sa isip na kung dumarating ang madilim na bahagi sa buhay ng may mapait na pagkakataon, pagkabigo at pagdadalamhati ito’y magtatapos sa isang maliwanag at makulay na pangyayari sa bawat buhay.

Sa sariling pagsisikap na alamin ang bawat sarili kailangan ang pagpupursige para makamtan ang katotohanan at hindi lamang bigyang haka-haka ang bawat sagot sa bawat tanong na ang kasamaan ay isang bahagi lamang na dumarating sa bawat isa, isang sariling anino kung saan ang pighati, pagdadalamhati at kamalasan na dumarating sa atin ay itinatakda, at sa pagpapatuloy upang ito’y maunawaan ito ang magbibigay sa bawat isa upang maging matatag, matibay at pagkakaroon ng sapat na katalinuhan upang mapag-aralang mabuti ang aral na hatid nito. Kung sa pagpapatupad mo ng mga katalinuhang ito para malaman ang tunay na reyalidad ng buhay, ikaw ay nasa tamang posisyon para hubugin ang iyong sariling pagkakataon, para palitan ang lahat ng kasamaan at itama ang bawat buhay patungo sa isang magandang kapalaran at bagong pagkatao.

Sunday, September 9, 2007

PAGBIBIGAY LAYA SA PAG-IBIG

Ang bawat isa ay nakakaramdam ng PAG-IBIG, isang napakagandang umaga ang laging naghihintay sa ating paggising ng may ngiti sa ating mga labi, ang pagiging inspirado sa lahat ng bagay na ginagawa, sa pakikinig ng mga memorableng awitin na halos tugtugin ng sarili sa pamamagitan ng paghuni tulad ng isang ibon kahit na ika’y hindi isang dalubhasa sa pag awit o maaari din namang pag aantay sa pag angat ng awdotibo upang maging ganap na pag uusap. Isang nakakalokong damdamin subalit hindi para sa lahat ng nilalang sa mundo. Sa iba na walang swerte sa pagmamahal, ang mga nakakalungkot na awitin ay nagbibigay ng luha, sinasaktan ang puso o maaaring halos makaramdam ka na ikaw ay balewala o walang kwenta. Ang pag ibig ay hindi tungkol sa masayang pagtatapos, romansa, bulaklak, at mga tsokolate. Itoy damdamin na nagpapasakit sa puso sa pagkakataong iyong mababatid na ang iyong minamahal ay masaya….masaya ngunit hindi dahil sa iyo kundi sa piling ng iba.

Para sa iba ang pag ibig ay hindi musika sa kanilang pandinig, ang pag ibig ay simpleng pagbibigay laya at pag unawa na sapat na ang umibig na lamang para mahalin at hindi na maghangad pa ng kahit anong kapalit. Mararamdaman at malalaman mo na itoy tunay na pag ibig kung matatanggap mo na kaya mong harapin at tanggapin ang kanyang pagkawala, tanggap mo na lumigaya sya sa piling ng iba kahit na ang kapalit nito ay ang sakit na maidudulot sa iyo.

Minsan nakapagtataka na kung sino pa ang taong labis na nagpapaligaya sa iyo ay siya pa rin ang taong magbibigay sa iyo ng matinding hapdi at sakit dulot ng pagmamahal. Siguro nga ay totoo ang mga sinasabi ng karamihan na mapapatunayan mo lamang ang tunay na kahalagahan ng pag ibig kung ito’y magsisimula ng magbigay ng sakit sa damdamin.

Ang pagbibigay laya sa pag ibig ay hindi ang ibig sabihin ay ang pagsuko sa nararamdamang pagmamahal kundi ang pagpaparamdam pa ng mas lalong pagmamahal sa kabila ng mga pighati. Ang sakit sa damdamin dulot ng pagmamahal ay hindi lamang puro at totoo, itoy handog ng pagkakataon. Sa isang tula nasabi na ang mas hindi risonableng bagay sa mundo ay ang hindi pagpapadama ng tunay na pagmamahal na nasa sa iyong puso at damdamin. Sa tingin ko’y masyadong nakakalungkot isipin na nakaramdam ka ng pag ibig at tanggapin na ang mga pangyayari ay hindi sinasadyang maganap at makikita mo na lang ang iyong sarili na parang balewala. Napakasakit tanggapin na sa kabila ng iyong ipinaramdam na pagmamahal ay hindi pa sapat para masuklian din ng kapwa pagmamahal. Siguro kahit na gaano mo kamahal ang isang tao ay gagawin mo ang pinakamagandang bagay para sa kanya walang iba kundi ang bigyan siya ng kalayaan upang tuluyan siyang maging maligaya. Walang nagsabi na hindi madali ang magparaya, subalit kahit papaano ay napatunayan mo na ang iyong naramdaman para sa kanya ay labis na totoo.

Laging tandaan ang kasabihan na “Kung totoong mahal mo ang isang tao, hayaan mo siyang maging malaya at kung dumating ang araw na bumalik siya…..ang inyong pagmamahal ay sadyang totoo at karapat dapat para sa isat isa.

Pagkatapos mo syang bigyan ng tamang kalayaan, sunggaban mo naman ang iyong sariling pagkakataon na nasa sa iyong mga kamay at turuan mo ang iyong sarili kung papaano mo gagamutin ang sugat sa iyong puso dulot ng nakaraan at umasang may darating pa sa iyong buhay upang magbigay ng kasiyahan, pagmamahal at gagawa ng magagandang bagay upang sa ganon ay hindi ka na tuluyang mawala pa.

PAGMAMAHAL AT PAGTITIWALA

Minsan may mga gabing hindi ko maitago ang katahimikan, nag aalala kung maniniwala sa mga bagay o kahit papaano ay paniwalaang lahat ay maganda. Naniniwala ako sa pagbabago dahil ito’y permanente. Naniniwala ako sa sakit dahil ito’y pisikal. Naniniwala ako sa galit dahil ginagamit ka nito. Pero hindi ko lubos na masiguro at maunawaan ang tungkol sa pagmamahal at pagtitiwala. Hindi rin maintindihan ang dalawang katagang ito na sa karamihan ay lumalagi sa kanilang mga pangarap.

Ang pag ibig ay hindi magtatagumpay para maging kumpleto kundi ng isang taong nagbibigay ng tagumpay para sa sarili. Nagtatapos ito kung tayo’y tuluyan ng nahulog sa damdaming ating mararmdaman. At aakuin natin at sasabihin sa sarili na ito ay hindi pag ibig dahil ang pagkaka alam natin ay walang kamatayan ang pag ibig. Ito ay hanggang wakas, pero kapag dumating na ang mga problema ito ay tuluyan ng nawawala. At ang pinakahuli kapag ang pag ibig ay nauwi na sa pagiging makasarili, pagdududa at nagiging pabigat na lamang kapwa sa bawat isa…ito ay hindi na maganda.

Sa pagtitiwala, ito’y malinaw subalit dumarating ang mga pagkakataon na halos hindi maipaliwanag at lubos na hindi maunawaan, Kung dumarating na ang kuriosidad ito ay nagbibigay daan na para sa isang pagsususpetsa, ang hindi pagiging tapat ay hindi na malayo para mangyari. Sa bawat pangyayaring ganito tinatanong natin ang ating sarili: “Nagtiwala ba ako ng sobra o kulang?” Mahirap magiging pipi upang bigyan ng kasagutan ang bawat tanong na magiging pabor sa kumpletong pagtitiwala para lang madiskubre mo na huli na para malaman ang isang bagay na dapat ay noon mo pa itinanong sa iyong sarili. “Saan ba nagsisimula ang pag ibig at tiwala at saan at kailan din ito nagtatapos?”

Marami na akong nakasalamuhang tao na hindi nagtagumpay upang mabigyan ng tamang kasiyahan ang kanilang relasyon. I have seen passion turn into poison. I have grieved with them for the love they lost or never found. Nakibahagi ako at nakapagbigay ng ilang mga puntos sa mga dalamhati na kanilang naranasan. Na kahit sa sarili ko ay aaminin kong nangyari. We seem to love so much, but now it's gone. We ask ourselves: "Why do I feel so lonely even if she’s right beside me? Why can't out relationship be more than this?"

Sa tingin ko lahat ng tao ay halos nagkakaroon ng pagkakapareho ng mga karanasan sa buhay, ang masakit na katotohanan ng walang katugunang pagmamahal. Even with all the discouragement, even with all the well-intentioned advice from friends, falling in love is a no-going-back event. Unfortunately, time can't be reversed.

Now, people around you doubt falling in love in itself. Hindi nila maramdaman ang init na idinudulot nito. Hindi sila nasasaktan ng may bayolente o pagdududa at ang ligaya na humahawak sa bawat isa. Hindi nila alam ang hirap na danas ng isip na sumusubok na bawasan at ibsan ang bawat emosyon. Hindi sila makapaniwala na hindi ka na makapagbibigay pa ng pagmamahal sa taong nagbibigay sa iyo ng kapwa damdamin. Kadalasan, ang mga taong nagmamahal ay nasasabihang sunod sunuran sa kanilang damdamin o kadalasang sila’y hindi maunawaan. Loving and loving without getting any response can be destructive to anyone. It is a thousand deaths every time. It’s an "unmourned" for death because no one else can understand.

Ang pag ibig ay hindi nagpapatuloy sa pag-asa lamang kundi ng mga tamang pangangailangan upang ito ay magpatuloy. Mayroong pagkakaiba. Kahit na gaano kahina o kahit na gaano kabuti o kasama ang isang tao sila’y nakakaranas din ng walang katugunang pagmamahal, sumusubok ikubli ang mga paghihirap at mga sakit na dulot nito at nagbibigay ng tugon na ang mga pangyayari ay hindi kawalang pag asa. Ang desperasyon, walang katugunang pagmamahal ay nagpaparamdam din ng katugunan kung ito’y mananatiling resinuble.

Paano mo mamahalin ang isang biyak na pader? Tulad ng isang tahanang kadalasang nagkakaroon ng lamat dahil sa mga pagpaparatang. Na kung ihahalintulad mo sa isang relasyon ay halos hindi nagkakalayo ng konsepto. Paano mo mamahalin ang isang putol na daan? Na sa iyong patutunguan para sa buhay ay magiging permanenteng paghinto dahil sa kakulangan ng paniniwala upang magpatuloy sa hamon ng buhay. At papaano mo mamahalin ang kulungan na walang kasagutan upang ikaw ay makatakas? Kulungan sa damdamin ng bawat isa na habang panahong magbibilanggo sa iyong buong pagkatao.

Minsan dumarating ang punto ng pagtatanong sa mga pangyayaring hindi inaasahan at hindi napaghahandaan. “Bakit hindi nya ako kayang mahalin? Anong problema sa akin?” Mga tanong na laging nauulinig at nagbibigay sakit at dalamhati sa ilan. Kahit na ikaw ay napakagandang lalaki or babae kahit na ikaw ay may magandang puso, kailangan mong maramdaman na hindi ka dapat mahalin ng sino pa man upang sa ganoon ay matutunan mo at mapag aralan kung paano mo dapat mahalin ang iyong sarili.

Walang masama sa walang katugunang pagmamahal. Nangyayari ito kadalasan. Hindi ko kayo pipiliting mag isip na kung hindi ka nya kayang mahalin ay ibig sabihin na siya ay walang kwenta…mali. In fact, believe that he is. He is worth it all: the headaches, the anxiety, the embarrassment, etc. He is worth it because, like you, she/he needs others loving her/him. This sounds funny but the world is round for a reason. We are all part of a circle. If you love her/him and she/he loves someone else, just think of whom you're hurting by loving her/him. It's a cycle. Whose love are you not returning?

I know we can love deeply, tenderly and lastingly. I have seen such love and I have felt such love myself. I learned that, aside from love and trust, a fulfilling relationship begins when two people make their time together their number one priority. If we hope to find love, we must first find time for loving. Maraming mga nagmamahalan ang nakakaranas ng mga hindi magagandang pangyayari sa kanilang relasyon…daan upang magising sila para mabigyang halaga ang kanilang pagmamahalan. Minsan nararamdaman natin ang ating partner na nagdedepende na lamang sa kung ano ang meron at nagkakaroon ng paghahambing sa relasyon ng iba. Hindi tayo tagapanood kundi tayong sarili natin ang dapat nakikiramdam sa buhay ng bawat isa. Upang sa ganon ay mabigyang saysay natin ang pagsasamang pinagbuklod na puso ng dalawang nagmamahalan.

At the end, when all is said and done, loving without being loved back is the best thing to do because feeling so much pain, you will learn to heal; you will know so much fear, you will learn to stand up to anything, carrying so much sadness, you will learn to glorify in joy.

Love is not destroyed by a single failure or won by a single caress. It is a lifetime venture in which we're always learning, discovering and growing.

Lastly, this maybe true that there is someone who is right for everyone (and even for me), and even if she/he's not, he'd still be right because loving doesn't make sense until you accept it and make it real. Iyan ang katotohanang dapat malaman ng bawat puso na kailangang ipadama ng totoo, tama at walang pag iimbot kahit na gaano pa karami ang damdamin na paghahandugan mo ng pagmamahal. At laging ilagay sa isip na ang pagtitiwala ay laging nakadikit sa pagmamahal, huwag bigyang distansya kahit na katiting ang dalawang damdamin dahil kung magkaganon….magtatapos ang lahat sa isang napakasakit na pagkakataon.

BUHAY

Isang simpleng kataga ngunit makapangyarihan at makabuluhan dahil ito ang nagtataglay ng kabuuan ng ating pinagmulan. Kung paano tayo humarap sa mga pagsubok at panganib ng ating mga problema na dumarating sa bawat isa. Inilalarawan nito kung papaano kakayanin ng isang nilalang ang mga hamon ng buhay. Kung bakit naging interesado ako upang talakayin ang tungkol sa bagay na ito ay dahil sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng sarili kong pagkatao…at maaaring hindi lamang sa akin kundi sa iba pa. Sinasabi nila na ang tunay na kahalagahan ng buhay ay hindi tungkol o dahil sa mga karangyaan na tinatamasa tulad ng pagkakaroon ng magagandang sasakyan, mamahaling mga tirahan, magagarang damit at limpak limpak na salapi sa banko. Itoy nagkakaroon ng kahalagahan sa pagkakaroon ng kasiyahan ng may dignidad at tamang kinalalagyan kahit na sa anong pangyayari. Maswerte pa rin ang bawat isa dahil tayo ay buhay at naibabahagi natin ang ating panahon at kaalaman sa ibang tao sa mabuti o masamang pagkakataon man. We must die a thousand deaths and learn the lessons of many times.

May mga pagkakataon na ating iisipin kung saan ba patungo ang buhay. Paano natin ito mararamdaman lalo na sa oras ng saya, pighati at mga problema. Ang totoo at walang katapusang kasiyahan ay darating sa ating buhay sa mga oras na magkaroon tayo ng maliwanag na batayan upang malampasan natin ang ating mga kahinaan. Sa mga araw na iyon na mabigyan natin ng solusyon ang ating mga problema, ang pagbibigay hilom sa mga sakit patungo sa ating mga minimithing mga pangarap. At kung ano mang mga paniniwala, opinyon, ispekulasyon o panukala na ating isulat sa ating pag iisip, itoy uukit o tatatak sa ating sariling pagkatao. Mararanasan natin na ito ang direkteng manipestasyon ng bawat pagkakataon, kundisyon at pangyayari. Kung ano ang iyong inilathala sa loob ay iyon ang iyong makakamit sa labas ng iyong tunay na pagkatao dahil ang ating isip ang tumatanggap ng paksa at atensyon, kung saan ito ang nagiging instrumento sa ating pag aanalisa sa ating mga iniisip. Sa sandaling ang ating direktang pag iisip ang tumanggap ng isang kumpletong paksa itoy tumutungo sa isang bahagi ng utak na tinatawag na isip ng ating kaisipan kung saan itoy nagiging laman at ito ang nagbibigay aksyon sa mga bagay na ating ginagawa.

Ang buhay ay ang pamumuhay at ang pamumuhay ay ang katuparan at pagtatagumpay ng bawat pangarap, ang isang mahabang panahon ng katahimikan, kagalakan at kasiyahan dito sa mundong ibabaw ay maituturing nating pagtatagumpay. Ang mga totoong bahagi ng buhay tulad ng katahimikan, kapayapaan, integridad, kaligtasan at kasiyahan ay hindi kayang maipaliwanag. Itoy nagmumula sa kaibuturan ng ating pagkatao. Ang pakikitungo sa nga bagay na ito ay nagdudulot ng kayamanang pangsanlibutan patungo sa ating kaluluwa. Kahit pa sa unang araw na tayoy nagmulat ng ating mga mata ang ating kapalaran ang nagdadala sa atin. At ito ang maggagabay patungo sa madilim o maliwanag mang bahagi ng ating buhay dahil saan mang bahagi ng mundo ang lahat ng nilalang ay may kapalarang naka ukit sa bawat katauhan. Hindi kinakailangan ang iyong karangyaan para malaman mo at mabigyan ng batayan kung ano talaga ang iyong totoong kinalalagyan. Buhay at kapalaran ang pinag uusapan at hindi ang kung ano ka sa mundong iyong kinagisnan.

Sa kabilang banda ang pag uusap ng tungkol sa buhay ay isang pribadong talakayan, may mga tao na hanggat maaari ay itinatago ang kanilang pagkatao na para sa akin ay may puntos at dahilan kung bakit. For me, I do not want to show my emotions, share my loneliness, share my deepest secrets and reveal the wholeness of my life with anybody. Selfish. Probably, but I just want to keep my life as private as possible. Ang sukatan ng kung gaano natin dapat pag usapan ang tungkol sa buhay ay kasing laki ng kung ano ang naging partisipasyon mo sa mundo at sa kapwa mo. This makes me think twice about the contents of each true to life books being published. Life is too large to fit in a book. It may, somehow, in one-way or the other exaggerate how an individual attempt to surpass the great adversaries of life in the fulfillment of one's dreams. For the mind is where the most profound thoughts lurk and cannot be described merely by actions and words, which are very much deceiving. To understand a person you must go beyond what cannot be seen by the naked eyes, what is hidden between the words and explore his wildest imaginations. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkakaroon ka ng tamang daan mabatid lamang ang tunay na pagkatao ng isang nilalang. Kailangan mong timbangin ang bawat pangyayari na nag-uugnay sa bawat tuldok na kinahaharapan ng bawat isa.

Lagi kong gustong ibahagi sa aking mga kaibigan kung paano nilalang ng Diyos ang mundo na isang perpekto in a way na ang lahat ng binigyang buhay ay pantay pantay. Equality means having the right to be born with the free will to choose the road that we want to travel. You can do it in any way you like. And problems as well as uncertainties are part of perfection. If God did not will it, not even a single leaf will dare to fall. What makes one person distinct from the other is the standards being imposed by those who perceived life according to what they view about creations which is very much far from the truth. Biniyayaan tayo ng dalawang mata hindi para lamang tumingin, dalawang tainga hindi para lamang makinig, dalawang paa hindi para lamang lumakad, dalawang kamay para umabot at hindi para lamang humawak and a brain for us to know the difference between living and just merely existing and a heart for us to be able to feel hurt, betrayal, failures, resentments, hatred, happiness, success and love for these are the very essence of life. And yes its probably agreeable and true, but then again how can you appreciate the beauty of it if you don't know the difference of day and night, of success and failure, of being born and dying, of joy and sadness, and of beautiful and not. The truth really hurts but accepting it will set us all free as what they always say and I think it's about time that you accept the hurtful truth. I am not saying that you change your manner of thinking, but once in a while be like anybody else. Enjoying every moment of their life not afraid to explore new horizons as life unfolds its secrets.

Sa bawat nilalang na ating nakakasalamuha…ibat iba ang kanilang karakter sa buhay, pag uugali at asal. May mga taong nagpapakabuti makamit lamang ang mga bagay na gustong makamit ngunit sa kanilang anino’y isang masama at permanenteng pagkaitim ng budhi. Mabibilang sa kalawakan ang tunay na mabubuting tao. I never felt angry over the people who do bad things even directly to me or anybody else. It would not make them change to a better person even if I hold so much hate on them. I never felt like laughing on a joke or smiling on someone who do nice things to please me. It's just as temporary as any other things in this world. It's what was I thought about life then. That we have to be born, study to learn what we already know, work to survive, and be better than anyone else so that you could be treated as intelligent and successful. So why would I focus on the things that would only make me weaker just like the majority who are already contented with the little that they have. Yes, I was born indigent, but this does not mean that I don't have the right to change the course of my life. Lahat tayo ay may karapatan at ang karapatang iyan ay ating responsibilidad dahil hindi ang ibang tao ang maghuhubog kung ano tayo kundi tayong sarili natin ang maglalagay kung ano tayo sa nagdaan, kasalukuyan at sa hinaharap.

Today I am still trying to find the serenity to accept the things that I could not change, find the courage to change the things that I can and seek the knowledge to know the difference upang sa ganon ay magkaroon ng kasagutan sa maraming tanong na hindi matapatan ng tamang solusyon.